Sa pagbalewala sa CIF isyu VP SARA TUMATAKAS SA PANANAGUTAN

DISMAYADO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa asal ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) nito na indikasyon umano na umiiwas ito sa kanyang pananagutan.

“Ipinakita niya na wala siyang pakialam sa isyung ito. Instead of addressing the mounting evidence against her, she continues to shrug it off as if it were a joke,” pahayag ni Deputy majority leader Paolo Ortega V.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tila balewala umano kay Duterte ang mga ebidensyang hawak ng House prosecution panel hinggil sa mga imbentong pangalan na kasama sa recipient ng kanyang CIF noong 2022 at 2023.

Habang tumatagal ay dumarami ang umano’y gawa-gawang pangalan na nakatanggap ng CIF ni Duterte tulad ng pagkakatuklas sa mga pangalang “Dodong”, “Jay Kamote”, “Miggy Mango” bukod sa mga nauna na sina Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin, Pia Piatos-Lim, Renan Piatos at Xiaomi Ocho.

“Kung wala talagang anomalya, bakit ganito karaming katawa-tawang pangalan ang nasa listahan ng confidential fund recipients ng OVP? Dapat ay sinisigurado nilang maayos ang liquidation ng pondo, pero lumalabas na parang ginagawang mababaw ang usapin,” ayon pa kay Ortega.

“Dapat iniimbestigahan ito, hindi binabalewala. These are public funds, not play money. Her dismissal of the issue only raises more suspicions,” dagdag pa ng mambabatas dahil hindi biro ang P612.5 million na CIF ni Duterte na pinaniniwalaan ng Kamara na hindi ito ginamit sa intelligence gathering kundi nilustay lamang.

Lalong lumalakas umano ang ebidensya ng Prosecution panel ng Kamara dahil sa pagkumpirma Philippine Statistics Authority (PSA) na sa 1,992 recipients ng CIF ni Duterte, 1,322 sa mga ito ay walang birth records, 1,456 ang walang marriage records at 1,593 ang walang death records.

“Parang imaginary payroll ito. Hindi natin matukoy kung totoong tao ba ang mga tumanggap ng perang galing sa CIF,” ani Ortega at kapag tinatanong siya ng media ukol dito ay “Wala siyang sagot, kundi pagtanggi at pagbalewala”.

(PRIMITIVO MAKILING)

46

Related posts

Leave a Comment