Sa paghihigpit ng quarantine classification HOSPITAL AVAILABILITY PAGBABATAYAN

SINABI ng Malakanyang na isa ang kondisyon o kalagayan ng health care utilization rate sa gagawing basehan ng gobyerno para sa implementasyon ng mas mahigpit na quarantine protocol sa buwan ng Abril.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isa ito sa formula na ginagamit ng pamahalaan upang pagbasehan ang susunod na hakbang na may kaugnayan sa posibleng paghihigpit o pagluluwag sa klasipikasyon ng protocol.

“Malinaw iyong formula na ginagamit natin, iyong dami ng kaso ng COVID at saka iyong kapasidad nating magbigay ng medical attention, iyong health care utilization rate na tinatawag. So, kapag naubusan tayo ng mga kama, siyempre po iyan ang magiging dahilan para tayo po ay magbago ng quarantine classification, dahil hindi naman pupuwede na sa kalye natin gagamutin ang ating mga kababayan,” aniya. (CHRISTIAN DALE)

425

Related posts

Leave a Comment