NAGTATAKA si Amando Fajardo, Jr., may sapat na edad, may-asawa, residente ng 32 M. H. Del Pilar St., Brgy. Ibaba, Bagac, Bataan may-ari ng Fajardo Beach Resort, Brgy. Pag-asa, ng nasabing bayan kung hindi pinapayagan na mag-renew ng kanilang business permit .
Sa panayam ng PUNA kay Ginoong Fajardo, hindi siya nakapag-renew nitong taong 2025, at 2026 kung kayat nagtataka siya kung bakit hindi siya binibigyan ng Business Permit para sa Fajardo Beach Resort ng nabanggit na barangay at nakaukupa na sila sa lupa noon pang 1989.
Kaya simula 1989 hanggang 2024 ay nabigyan siya ng Business Permit, kaya labis siyang nalulungkot at nagtataka sa renewal simula 2025 at 2026 hindi na siya binigyan ng Business Permit.
Ayon pa sa kanya, gusto nilang sumunod sa batas, para sa kapanan ng kanilang mga kustomer sa Beach Resort, subalit napipigilan sila sa pagka-antala ng Business Permit.
Base sa hawak nating Application for Business Permit 2024 na may petsang 3/11/ 2024 na inisyu ng Municipality of Bagac, Province of Bataan sa Fajardo’s Beach Resort Company na pinatatakbo ni Amando Fajardo, Jr.
Kinuha natin ang panig ni Bagac, Bataan Mayor Ron Michael Alexis Del Rosario kahapon sa kanyang opisina sinabi niyang nabili na ni Jose “Jerry” Acuzar, dating kalihim ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang lupain na kinalalagyan ng Fajardo’s Beach Resort kaya gusto nilang magkaharap nina Mr. Fajardo at Acuzar.
Tinanong natin si Mayor Del Rosario, kung may ipinakita na papel na magpapatunay na nabili nga ni Acuzar ang nabanggit na lupain kung saan matatagpuan ang beach resort subalit sinabi niyang walang ipinakita ang kampo ng dating Cabinet member ni BBM.
Tinanong ko rin siya kung bakit noong 2024 ay inisyuhan ng Business Permit sa ilalim ni Mayor Rommel del Rosario na Vice Mayor ngayon ng Bagac, samantala dati namang Vice Mayor si Ron del Rosario ay sinabi niyang wala siyang pakialam sa dating pag-isyu ng Business Permit sa panahon ng kanyang tiyuhin (Mayor Rommel).
Tinungo naman natin at nakausap sina Treasurer Rhoda Agcaoile at Luz Cabantac ng business license/permit sinabi nila na pagkumpleto naman si Mr. Fajardo ang mga dokumento niya at iisyuhan nila ito ng Business Permit.
Sinabi naman ni Mayor Ron del Rosario na hindi niya hinahadlangan pagbibigay ng Business Permit ang Fajardo’s Beach Resort basta kailangan mula nilang magharap na tatlo nila Mr. Acuzar, at Fajardo.
Ang lupain na ukupado ni Ginoong Fajardo ay katabi lamang ng napakalaking lupain na pag-aari ni Acuzar na kung saan ay nakiusap kay Ginoong Fajardo ang dating kalihim ng DHSUD na makiraan ng kanyang kuryente patungo sa kanyang Hotel de Oriente.
Sinikap natin makuha ang panig ni Acuzar subalit hindi natin siya makontak.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email operarioj45@gmail.com
105
