Sa pagtugon sa chemical, biological radiological and nuclear attack PHIL. ARMY RESPONSE PINAIGTING

FORT BONIFACIO: Pinaigting ng Hukbong Katihan ang kapabilidad ng mga sundalo sa pagtugon sa mga pag-atakeng Chemical, Biological, Radiological at Nuclear (CBRN) sa isang Simulation Exercise na isinagawa sa Support Command sa Camp Servillano Aquino, Tarlac City, ika-6 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ng Office of the Chief Ordnance and Chemical Service, Philippine Army at Installation Management Command at mga international stakeholder tulad ng International Police, Defense Threat Reduction Agency at United States Army, ang pagsasagawa ng nasabing Simulation Exercise.

Layunin ng nasabing pagsasanay na suriin at patatagin ang kahandaan ng mga yunit ng Philippine Army sa pagharap sa mga insidente ng CBRN sa loob ng military installations sa pamamagitan ng makatotohanang simulasyon ng mga insidente ng pag-atakeng kemikal sa iba’t ibang lokasyon.

Ang nasabing Simulation Exercise ay nakaayon sa CBRN Contingency Plan “Lazarus” at nagsisilbing batayan sa pagsusuri at pagpapabuti ng kahandaan ng Hukbong Katihan at pagsunod sa mga doktrina sa pagharap sa mga insidente ng CBRN.

Binigyang diin ni Punong Heneral Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete ang patuloy na pagsasanay at pagpapaunlad sa kakayahan at kapabilidad ng mga sundalo at mga kawani.

“Ang mahusay at malakas na mga tauhan ang siyang pundasyon ng isang matatag na Hukbong Katihan na handang tumugon sa anomang hamon panseguridad,” pahayag ni Nafarrete.

(JESSE RUIZ)

90

Related posts

Leave a Comment