Sa PUV modernization at libreng sakay programs PRRD PINASALAMATAN NG TRANSPORT GROUPS

NAGPASALAMAT ang transport groups kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program at Libreng Sakay program.

Pinangunahan ni Atty. Vigor Mendoza II, chairman at President ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) at Fleet operator ng Beep Jeep ang paglagda ng mga grupo ng transportasyon sa isang bukas na liham ng pagpapasalamat sa administrasyon.

Binigyang-diin ng halos 50 Metro Manila Transport Group (MMTG) leaders na ang matatag na political will ng Pangulo at ng DOTr ang naging susi matagumpay na pagpapatupad ng modernization at libreng sakay.

Ayon kay grupo dahil sa mga programang ito, napaganda ang kanilang serbisyo sa mga pasahero partikular ang pagtiyak na air conditioned ang mga sasakyan at mas disiplinadong driver.

Naitaas din ang kita ng bawat tsuper na umaabot sa higit sa P1,000 kada raw, at may benepisyo pa silang Philhealth, SSS at Pagibig bukod pa sa naibaba ang mga gastusin dahil sa pagpapatupad ng fleet management system, automated fare collection system at GPS system.

Kasabay nito, umaasa ang grupo ng transportasyon na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang PUJ Modernization at Free Rides Program dahil marami pang pagpapaganda ang maaaring gawin upang mahikayat pa ang publiko na tangkilikin ang mga programa.

“Maraming pagsubok ang dinaanan ng industriya ng transportasyon gaya ng  patuloy na pagtaas ng presyo krudo, pagtaas ng mga bilihin, trapiko at lockdown dahil sa pandemya.  Kung hindi dahil sa PUJ Modernization at Free Rides Program, malamang nagsarado na kami,” pahayag ng grupo. (DANG SAMSON-GARCIA)

 

168

Related posts

Leave a Comment