Sa SALN restriction ng Ombudsman LABAN KONTRA KORAPSYON LUMABO

LUMABO ang tsansang mapagtagumpayan ng gobyerno ang kampanya laban sa tiwaling government officials sa restriksyon na inilagay ni Ombudsman Samuel Martires sa pagkuha sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga government official.

Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos maglabas ng circular si Martires na nagpatigil sa mga miyembro ng media na magkaroon ng access sa mga government official maliban kung may pahintulot ang opisyal.

“New Ombudsman rule restricting SALN access a huge step back for transparency, accountability,” pahayag ni Brosas kaya naniniwala ito na walang mangyayari sa kanyang laban sa katiwalian na
kinasasangkutan ng mga government official.

Maliban dito, mistulang nawalang saysay din umano ang Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, sa circular ni Martires.

Base sa nasabing batas, hindi maaaring itago sa publiko ang SALN ng mga government official lalo na kapag sangkot ang mga ito sa katiwalian subalit nawalang saysay ito sa kautusan ng Ombudsman.

Mahalaga aniya ang access ng lahat lalo na ang media sa imbestigasyon sa katiwalian na habang tumatagal ay lumalala kahit ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Malaking pag-atras ito sa usapin ng right to information ng mamamayan at kalayaan ng mga mamamahayag na mag-ulat kaugnay ng SALN ng mga politiko. For the first time, journalists cannot
directly request a copy of a politician’s SALN, unless the politician requests it himself or herself for the media,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

275

Related posts

Leave a Comment