Sa tulong ng German expertise PNP PINALAWIG KAKAYAHAN KONTRA KIDNAPPING

PINURI ni PNP chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ang Anti-Kidnapping Group (AKG) makaraang makumpleto ang dalawang linggong pagsasanay.

Simula noong Hulyo, 20 hanggang 31, nagsagawa ng pagsasanay ang (AKG) sa Summit Hotel and Resort sa Lungsod ng San Juan.

Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang komunikasyon at pakikipagnegosasyon, victim-based risk analysis, pakikipagnegosasyon sa social media, paggamit ng artificial intelligence (AI), at financial investigation.

Sa pakikipagtulungan ng German Embassy, matagumpay na nakumpleto ang dalawang linggong Specialized Training on Investigations and Negotiations in Kidnapping Situations.

Nagsagawa rin ang mga German expert ng mga lecture, case study, at tabletop exercise upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga tauhan ng AKG sa imbestigasyon at pakikipagnegosasyon sa panahon ng krisis.

“I have directed the Anti-Kidnapping Group to cascade the best practices and techniques learned during the training to field units,” ani PGen. Nartatez.

“The best practices and techniques they learned will be integrated into our investigative procedures, crisis negotiation protocols, and operational planning to further improve our capability to safely resolve kidnapping incidents and bring offenders to justice,” dagdag niya.

Inatasan din ni PGen. Nartatez ang AKG na magsagawa ng regular na simulation exercise sa pagtugon sa mga insidente ng kidnapping at hostage negotiation kasama ang field units.

(TOTO NABAJA)

74

Related posts

Leave a Comment