Sa Valenzuela at Navotas 2 NADAGDAG SA COVID CASUALTIES, 20 POSITIBO

ISA ang patay habang siyam ang nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela sa nakalipas na dalawang araw.

Alas-10:00 ng gabi noong Enero 7, nabatid na 8,616 na ang confirmed cases sa lungsod at 8,281 sa mga ito ang gumaling na, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Sa nasabi ring araw ay 77 ang active cases sa lungsod at 258 na ang namatay.

Alas-3:00 ng hapon noong Enero 9 ay 8,640 na ang confirmed cases at 8,295 sa mga ito ang gumaling na.

Naitala naman sa 86 ang bilang ng active cases at umabot na sa 259 ang bilang ng mga namatay.

Sa kabilang dako, sinabi ng City Health Office ng Navotas City, isa ang naitalang namatay habang 11 ang nagpostibo sa COVID-19 noong Enero 9. (ALAIN AJERO)

117

Related posts

Leave a Comment