SABONG ON AIR KA REX CAYANONG ENTRY, INAABANGAN NA SA DERBY!

INAABANGAN na ng ­bayang sabungero ang event ng Santa Rosa ­Cockers Alliance (SRCA) na idaraos sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga sasabak sa Team C ay ang entry ng inyong lingkod na “Sabong on Air Ka Rex Cayanong”.

Sabik na sabik ang mga sabungero na masaksihan ang muli naming pagsabak sa derby.

Sa Team C po nakahanay ang aming entry.

Magaganap ito sa ­Agosto 9, bukas, sa Santa Rosa Mega Cockpit.

Magkakaroon din ng kaparehong salpukan ang Team C sa Agosto 23.

Nagkasubukan na ang Team A noong Agosto 2 habang magkakaroon ulit sila ng bakbakan sa Agosto 18.

Ang Team B naman, nagbanggaan na noong Agosto 6 at may isa pa silang bakbakan sa Agosto 20.

May nakatakda ring pupugan ang mga matitikas na cockers sa Agosto 13 at 25 o ang Team D naman.

Ang pa-derby na ito ng SRCA ay may pot money na P33,000 at may minimum bet na P11,000.

Kung matatandaan, si Perez din ang nagtatag ng SCRA, kasama sina Bosses Dave Lao at Boy Royo.

Maganda at maaliwalas ang ambiance sa Santa Rosa Mega Cockpit na pag-aari ni Boss Richard ‘Riper” Perez.

At bukod sa maaaksyong salpukan ng mga warrior, aba’y moderno rin o state-of-the-art ang mega cockpit ni Boss Richard kaya tiyak na mag-e-enjoy kayo.

Good luck and more ­power po sa ating lahat!

234

Related posts

Leave a Comment