SAKITIN, MATATANDA AT BUNTIS NA PDL UNAHING PALAYAIN

KUNG mayroong dapat na unahing palayain pansamantala sa mga Person Deprived with Liberty (PDLs) ay ang matatanda, buntis at mga sakitin upang lumuwag ang mga mbilangguan sa bansa sa gitna ng giyera kontra coronavirus disease 2019.

Ito ang kahilingan ni ACT party-list Rep. France Castro matapos utusan ng Korte Suprema ang mga lower court na bilisan ang pagpapalaya sa mga PDL na vulnerable sa covid-19.
Walang naibigay na datos ang mambabatas kung ilang libo ang mga posibleng mapalaya pansamantala subalit marami umano sa mga PDL ang may sakit, matatanda na, buntis.

Kasama sa inaasahan aniyang mapapalaya ay ang mga PDL na matagal nang nabayaran ang sentensya, mahihirap na walang kakayahang magpiyansa at mga first time offender.

“Kung mapapalaya ang mga iyan, malaki ang iluluwag ng mga bilangguan natin,” ani Castro, kaya kailangang sumunod aniya ang mga lower court sa SC at bilisan ang pagpapasya.

COVID-TEST MUNA BAGO PALAYAIN

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo na kailangang isailalim muna sa COVID-19 test ang mga PDL na palalayain pansamantala upang masiguro na hindi carrier ang mga ito bago nila makasalamuha ang kanilang pamilya.

“The government should determine if the prisoners to be released are coronavirus carriers or not. If they are and are sent home, they can spread the virus to their families and the community,” ani Castelo.

Kailangang ideretso naman aniya sa mga isolation facilities ang palalayaing PDLs kapag lumabas sa pagsusuri na positibo ang mga ito sa COVID-19 upang magamot bago sila pabalikin sa kanilang komunidad.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa mga report na may mga PDL ang nagpositibo sa COVID-19 partikular na sa Quezon City Jail. BERNARD TAGUINOD

202

Related posts

Leave a Comment