SAKLAW NG STATUTORY RAPE, ITAAS SA 16-ANYOS

NANINIWALA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na isa sa posibleng paraan upang mabawasan ang teenage pregnancy sa bansa ay ang pagtatataas ng edad ng mga dapat saklawin ng kasong statutory rape.

Sinabi ni Zubiri na mula 12 anyos, dapat itaas sa 16 na taong gulang ang edad na maikukunsidera sa statutory rape.

“Naniniwala ako na maraming sexual abuses and violence ang nagaganap sa mga batang 12 hanggang 16 taong gulang. Pero hindi maparusahan ang maysala kasi sinasabi ng maysala na pumayag ang bata, kahit sa totoo ay sapilitan ang naganap,” saad ni Zubiri.

Iginiit ni Zubiri na napakahalagang mapalawak ang coverage ng statutory rape laws upang hindi na kailangan na patunayan na ginamitan ng pwersa or pananakot ang mga biktimang menor de edad.

“Sigurado akong mababawasan ang mga teenage pregnancy natin kung maitataas natin ang statutory rape age. Proteksyon natin to para sa kabataang Pilipino,” diin pa ng senador.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ibinatay niya ang kanyang panukala sa 2016 National Baseline Study on Violence Against Children (NBS-VAC) kung saan lunitaw na isa sa bawat limang bata na may edad 18 anyos pababa ay nakaranas ngn sexual violence.

“This amendment to the Revised Penal Code “is long overdue, considering that the RPC is 89 years old and should be put at par with the expanding measures to protect children, our most valuable asset,” diin ni Zubiri. (DANG SAMSON-GARCIA)

247

Related posts

Leave a Comment