SALPUKAN SA DAGAT; 7 MISSING, 13 NASAGIP

PATULOY ang paghahanap sa pitong tripulante ng isang Filipino fishing vessel matapos na makasalpukan nila sa gitna ng laot ang isang cargo vessel sa karagatan sakop ng  Maracanao Island, Agutaya, Palawan noong Sabado ng hapon,

Ayon sa Coast Guard, sangkot sa nangyaring sea vessel collision incident ang Marshall Islands-flagged MV Happy Hiro, isang cargo vessel at ang fishing vessel na FB JOT-18, isang Filipino fishing vessel bandang alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa ulat, nasa 13 mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard 13 (PCG) katuwang ang isang napadaang fishing vessel.

Kinilala ang nasagip na mga mangingisda na pawang taga Bantayan Island sa Cebu, habang ang isa ay nakatira sa Estancia, Iloilo, na sina

Donde Petiero, 38, Estancia, Iloilo; Roderico Mata, 31; Randy Mata, 36; Renie Espinosa, 38; Mario Quezon, 24; Sammuel Ducay, 40; Rendil Dela Peña, 42; Martin E. Flores Jr., 58; Jupiter Jbañiez, 38; Andring Pasicaran, 43; Jonel Mata, 30; Joemar Pahid, 32, at Arjay Barsaga, 26.

Habang,  nagpapatuloy ang search and rescue operations ng BRP Suluan (MRRV-4406), PCG Station Cuyo, at PCG Sub-Station Agutay sa Iloilo para sa nawawalang pitong mangingisda

“MRRV 4406 BRP Suluan together with rescue teams from Coast Guard Station Cuyo and Substation Agutay in Iloilo (are) conducting search and rescue operations,” ayon kay Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo.

Nabatid na isang transiting fishing boat  BAL 5 ang agad na nakarating sa incident site at nagsagawa ng rescue assistance sa 13 mangingisda ng FB JOT-18.

Agad namang inilipat ang 13 mangingisda sa MV HAPPY HIRO na siyang nagdala sa mga ito sa bisinidad ng karagatan ng Lipata, Culasi, Antique para sa kaukulang tulong.

Sa report na ibinahagi ng Medical Officer ng MV HAPPY HIRO na si  Medical Officer  Mckinley Amante, residente ng San Miguel, Iloilo, sa PCG,  12 sa 13 rescued fishermen ay may ‘scratches’ sa katawan, habang ang isa ay may minor wound sa ulo.

Matapos mabigyan ng clearance, inilipat din ang mga mangingisda sa barko ng PCG ang BRP Panglao na siyang naghatid sa mga mangingisda. (JESSE KABEL/RENE CRISOSTOMO)

343

Related posts

Leave a Comment