SEARCH FOR OUTSTANDING YOUTH SOCIAL ENTERPRISES INANUNSYO

UPANG palakasin ang youth empowerment, ipinahayag ni Sen. Cynthia A. Villar ang pagsisimula ng 5th Villar SIPAG Youth Poverty Reduction Challenge search para sa  “10 Most Outstanding Social Enterprises.”

Ayon kay Villar, layunin ng kompetisyon na hikayatin ang mga kabataan na magsimula   ng social enterprises lalo na ngayong bumabangon tayo mula sa pagbagsak ng ating ekonomiya dahil sa Covid-19 pandemic.

“This is our way of supporting youth empowerment in the hope to further encourage more young people to significantly contribute to our goals as a nation,” ayon kay Villar, Director din ng Villar SIPAG.

“We want our young  people to engage in worthy programs that would make a significant impact in alleviating poverty in their respective communities,” dagdag pa niya.

Iginiit din ng senador na ang kompetisyon sa hanay ng mga batang  entrepreneurs ang paraan  ng kanilang pamilya para kilalanin ang pagsusumikap at dedikasyon ng mga ito upang magkaroon ng positibong pagbabago sa lipunan.

“If your organization is composed of youth members 16-29 years old and operating for at least 3 years to improve the living conditions of people,  you are exactly what we are looking for,” giit ng senador.

Upang mapili sa “10 Most Outstanding Youth Organizations”, sinabi ni Villar na kailangang patunayan ng youth group  na naging sustainable at matagumpay ang kanilang social enterprise sa pagtulong na malampasan ang kahirapan.

“In coming out with these programs- social enterprises, we should always bear in mind how we can help minimize poverty if not totally eradicate them,” sabi pa ng senador na kilala sa kanyang  poverty reduction projects.

Tatanggap ang bawat isang mananalong youth organization ng  P150,000 cash prize upang suportahan ang kanilang adbokasiya at enterprise. (ESTONG REYES)

127

Related posts

Leave a Comment