SALVAGE VICTIM, ITINAPON SA PALAYAN

LAGUNA – Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan sa isang palayan sa bayan ng Pila.

Alas-5 ng madaling araw kanina nang matuklasan ng mga nagdya-jogging sa Pila Road, Brgy. Tubuan ang mga biktima na tinatayang nasa edad 30-35.

Inilarawan ang isa sa mga ito na nakasuot ng maong na pantalon, dilaw na pang-itaas habang ang isa ay naka-itim na pantalon at itim na jacket, puting sapatos at may mga tattoo sa katawan.

Kapwa may mga tama ng bala sa ulo ang mga ito at hinihinlang doon din pinatay dahil sa mga sariwang dugong nakakalat sa lugar.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Pila Police sa pagkakakilanlan ng mga pinaslang na biktima at inaalam na rin kung sino ang mga salarin. (CYRILL QUILO)

391

Related posts

Leave a Comment