SAME SEX COUPLE PWEDE RIN MAG-BACKRIDE

ITO ang paglilinaw ng Joint Task Force COVID Shield matapos payagan kahapon ang magkaangkas na mag-asawa o magka-live-in sa motorsiklo basta may protective barrier.

kay JTF Shield Commander Guillermo Eleazar, maging ang same-sex couple ay papayagang bumiyahe sakay ng isang motorsiklo basta’t may protective barrier at kaya nilang patunayan na nakatira sila sa iisang bubong.

“Puwede rin po ‘yun basta couples o partners, ibig sabihin meron silang relationship na sila’y magkasama sa isang tinitirhan. Kailangang ma-establish doon na sila ay nakatira sa isang lugar kaya ang hinahanap natin doon dokumento. Initially, ‘yun pong ID nagpapatunay na magkasama sila doon,” pahayag ni Eleazar.

Bagamat napayagan na ang “couples” na bumiyaheng magkaangkas sa motorsiklo sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ, sinabi ng Palasyo na para lamang ito sa mag-asawa.

Nauna nang nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na ang depenisyon ng “couple” ay iyong mga kasal, magka- live-in at maging mag-girlfriend o mag-boyfriend.

Kahapon ang unang araw ng implementasyon ng backriding for couples. Pero paalala pa rin ni Eleazar na dapat ay may protective barrier na ang motorsiklo at naka-helmet at face mask naman ang rider at pasahero nito.

“Kung wala po kayong ganyan, kami po ay nananawagan ‘wag muna kayong lumabas. Hintayin n’yo munang makakuha kayo ng ganyan bago kayo lumabas,” sabi ni Eleazar. JESSE KABEL

165

Related posts

Leave a Comment