SAN MIGUEL, MAGNOLIA SASALANG NA

basket21

MGA LARO NGAYON:

(SMART ARANETA COLISEUM)

4:30 P.M. — MAGNOLIA VS ALASKA

7:00 P.M. — SAN MIGUEL VS NORTHPORT

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)

SISIMULAN ng Philippine Cup champion San Miguel Beermen ang kanilang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup laban sa NorthPort Batang Pier ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Beermen at Batang Pier sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang pagbubukas ng title bid ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok kontra Alaska Aces sa alas-4:30 ng hapon.

Ang San Miguel ay muling maghahangad na makakolekta ng kampeonato, halos isang buwan matapos talunin ang Magnolia sa Game 7 ng kanilang championship series sa Philippine Cup.

Tutulong sa bagong misyon ng koponan ni coach Leo Austria ay ang import na si Charles Rhodes, na babalik matapos huling maglaro sa Beermen noong 2017 Commissioner’s Cup.

Gustong maulit ni Rhodes ang tagumpay na natamasa niya at ng Beermen sa nabanggit na tournament kung saan tinalo nila ang TNT KaTropa sa Finals.

Magiging susi din para sa SMB ang star center na si June Mar Fajardo, na hinirang na Finals MVP matapos magtala ng record na 31 rebounds sa Game 7.

Plano namang bigyan ng Batang Pier ng problema ang Beermen at makabawi mula sa pagkatikim nila ng unang talo sa conference noong Sabado.

Nabigo ang NorthPort laban sa defending champion Barangay Ginebra San Miguel, 73-70, matapos ang 3-0 start sa conference.

Gutom naman ang Magnolia na makabawi sa talo nila sa SMB sa pangunguna ng dating Columbian Dyip import na si John Fields.

Ang Alaska ay layunin namang ma-improve ang 2-2 record nila sa conference at muling sasandal kay import Chris Daniels.

173

Related posts

Leave a Comment