CAVITE – Sugatan ang apat katao, kabilang ang isang 11-buwang gulang na sanggol, makaraang pasukin ng isang nag-amok na lasing na lalaki at pinagsasaksak ang mga ito sa kanilang bahay sa Trece Martires City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Calvin Plaine Manape,11-buwan; Joenald Lozada, 19; Ronnie Patac, 22, at Juan Carlo Manape, 21, pawang mga residente ng Expansion Southville, Brgy. Inocencio, Trece Martires City.
Sa presinto na nahimasmasan ang suspek na si Jhonniu Batalla, 21, binata, isang welder, ng Southville P-1 Expansion, Brgy. Inocencio sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, mahimbing na natutulong ang mga biktima nang biglang pumasok ang suspek sa kanilang bahay at inundayan ng saksak ang mga ito, dakong alas-12:10 ng madaling araw.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa insidente.
Nahaharap ang suspek sa kasong multiple physical injuries in relation to RA 7610, trespassing at light threat. (SIGFRED ADSUARA)
174 