SANGGOL NAHULOG HABANG HOSTAGE NG AMA, PATAY

ISINAILALIM sa hospital arrest ang isang 24-anyos na lalaki makaraang barilin ng nagrespondeng mga pulis nang gawing hostage ang dalawang buwang gulang niyang anak sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Davao Oriental Hospital ang sanggol matapos na mabitiwan ito ng kanyang ama habang umiiwas sa nagrespondeng mga tauhan ng Cateel Municipal Police Station.

Napag-alaman, ginawang hostage ng suspek ang kanyang asawa’t anak sa kanilang bahay sa Sitio Bawod sa Brgy. San Antonio habang armado ng itak, sa hindi nabatid na dahilan.

Agad namang nakatawag ng responde ang mga barangay official ng Brgy, San Antonio na sinubukan pang payapain ang suspek.

Imbes na sumuko, dinala ni Rey ang sanggol sa may ilog, tinutukan ng itak sa leeg at nagbantang papatayin ito.

Base sa report ng pulisya, nilapitan ng team leader na si Police Chief MSgt. Ruben Iway si Rey ngunit nagalit ito at tinaga ang pulis na mapalad na nakailag.

Tinangka ng suspek na tumakas patungo sa ilog ngunit habang umaatras ay nabitiwan ang sanggol na agad namang nasagip ng mga awtoridad.

Sa puntong ito, binaril ng mga pulis ang suspek na agad dinala sa Mati Provincial Hospital para lapatan ng lunas. (JESSE KABEL)

153

Related posts

Leave a Comment