BINURA ni Pop Princess Sarah Geronimo ang lahat ng photos niya sa kanyang Instagram account kamakalawa.
Nagtira lang siya ng isang larawan na may nakasulat na “5.30.” Walang clue na ibinigay kung ano ang ibig sabihin ng date na “5.30” kundi ang isang maintrigang “#GNaSiSarah.” Kinabukasan, nag-post ulit siya ng isang larawan na may maiksing caption at ginamit ulit ang naturang hashtag: “530. #GNaSiSarah.”
Maraming espekulasyon ang naglabasan. May nanghula na iyon ay para sa isang bagong album. May nagsabi na ang “G” ay para sa “Guidicelli,” ang apelyido ng boyfriend nitong si Matteo. May mga nagsasabing ang “530” ay para sa May 30, ang petsa ng kasal ng dalawa. Kung ano man ang tinutukoy ng dalawang larawang iyon, malalaman natin malamang… bukas!
