ANO Β kaya ang marrying age ni Matteo Guidicelli at hanggang ngayon ay tila wala itong balak na mag-propose sa kanyang longtime girlfriend na si Sarah Geronimo?
Hayan, ayon sa aming insider ay lungkut-lungkutan daw sa set ng bago niyang movie itong si Sarah. Wala rin daw maisagot ang singer-actress kapag tinatanong kung kailan sila magpapakasal ni Matteo.
Ano ba naman kasi ang sasabihin ni Sarah kung βdi pa siya niyaya ng hunky actor bf na lumagay na sa tahimik?
Ang nagpapasaya na lang daw ngayon sa actress ay kapag nasosolo niya sa abroad si Matteo, at tila kuntento na siya sa ganitong setup.
Speaking of Sarahβs latest film, wala itong kaingay-ingay at hindi rinΒ kagandahan ang trailer nito huh!
Wala rin siyang leading man dito at aso lang ang kasama kaya nakaka-worry na baka hindi ito tangkilikin ng moviegoers.
ANGEL, NAPANINDIGAN ANG βACTION DRAMA QUEENβ TITLE
Isa si Angel Locsin sa mga artista natin na kapag gumawa ng teleserye ay patok mula simula hanggang ending.
Tulad ng βThe GeΒneralβs Daughterβ na nasa last week na at tumagal ng 9 months sa ere.
Napanindigan ni Angel ang ibinigayΒ sa kanyang titulo na βAction Drama Queenβ dahil nagawa nito ang mahihirap na eksena sa kanyang teleserye, at never siyang nagpa-double.
Sa episode noong Biyernes ay matindi rin ang mga eksena niya. NakiΒpagbarilan siya sa kalaban habang nakakapit sa likod ng truck.
Sa recent thanksgiving presscon, pinuri ng entertainment press si Angel sa ipinakitang performances sa TV series.
Ano ang susunod na aabangan sa kanya?
βAyusin ko muna βyung health ko ulit. Magpapagaling po ulit ako and aayusin ko po ang kasal ko. I think βyun po βyung mas malaking challenge na papasukin ko. Good luck na lang sa akin,β sey ni Angel na gusto uling makatrabaho ang cast ng βTGDβ.
Simula ngayong Lunes ay huling linggo nang mapapanood ang nasabing primetime series sa ABS-CBN.
ALEX GONZAGA, LAGING PINAPARATANGANG MALDITA
Wala na bang pwedeng gawing issue kay Alex Gonzaga?
Lagi na lang kasing pinaparatangan ang TV host-actress na maldita raw siya. Konting kibot lang ay headline na agad si Alex. Kesyo nilampasan nito ng pila sa airport ang misis na buntis. Malinaw na fake news ito dahil noong araw na βyun ay kasama ni Alex ang kanyang both parents (Mommy Pinty and DaddyΒ Carlito) na kapwa na senior citizen. At dahil may bagong pila ay sumabay na rin si Alex sa kanyang mga magulang.
Ngayon naman ay may inisnab naman daw itong dalawang artista ng GMA. Sobrang loud lang talaga ni Alex and aminado siyaΒ rito. Pero kung kilala mo siya in person ay ikaw na mismo ang magsasabi na funny and jolly person siya na easy to getΒ along with.
At tulad ng aming nasulat dito sa aming column, ay si Ken βSomethingβ ang totoong isnabero at mga sikat lang na press ang gustong kausap.
391 
