SCHOOL OPENING TULOY SA AGOSTO 24

INANUNSYO ng Malakanyang na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 maliban na lamang kung irerekomenda ng Department of Education kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-postpone ito ‘in a later date’.

“Ang desisyon po ngayon ay August 24. Unless magkakaroon po ng bagong rekomendasyon ang ating Secretary of Education, baka hindi po mabago ‘yung school opening,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte nito lamang Hulyo 17 ang Republic Act 11480 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo, sa magiging rekomendasyon na rin ng Secretary of Education, na magtakda ng ibang petsa ng pagbubukas ng klase sa buong Pilipinas o sa piling lugar sa panahon ng state of calamity o emergency.

“This certainly gives flexibility to the Executive department kung sa tingin nila mas kinakailangan pa ng mas mahabang panahon bago tayo bumalik sa eskwelahan,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Sa kabilang dako, nangako naman si Pangulong Duterte na susuportahan ang plano ng DepEd na magpatupad ng blended forms of learning, kasabay ng posisyon nito na hindi papayagan ang face-to-face classes hangga’t hindi nagiging available ang COVID-19 vaccine.

Nitong Biyernes, pinirmahin ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11480 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na iurong ang petsa ng pagbubukas ng klase.

Sinasabing inamyendahan ng naturang batas ang RA 7797 partikular na ang bahagi na nagsasabing ang opening ng klase ay dapat gawin sa pagitan lamang ng unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Nakasaad din sa nasabing batas na pahihintulutan ang Pangulo base sa rekomendasyon ng DepEd secretary na mag- schedule ng ibang petsa kung may deklarasyon ng state of emergency o state of calamity. (CHRISTIAN DALE)

132

Related posts

Leave a Comment