KASALUKUYANG naka-work from home si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque dahil sumasailalim ito sa self quarantine.
Kinumpirma mismo ng ahensya na naka-home quarantine na ang kalihim dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang text message, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na “asymptomatic” o walang sintomas gaya ng ubo, sipon, o lagnat ang kalihim pero isinailalim na rin ito sa testing upang makasiguro lalo pa at may pre-existing na asthma at hypertension si Duque.
Batay sa ulat, tatlong beses nagkaroon ng exposure si Duque sa isang direktor ng DOH na kinumpirma kamakailan na positibo sa naturang sakit. SAKSI NEWS TEAM
