SEGURIDAD NG MGA GUSALI, IMPORTANTENG SUNDIN AT OBSERBAHAN

Sa Ganang Akin

Noong nakaraang linggo lang ay lumindol sa bandang silangang bahagi ng bansa kung saan kumitil ito ng walong buhay at nag-iwan ng dose-dosenang mga nasaktan.

Ang pangyayaring ito ay isang paalala sa matagal nang inaabangan nating lahat na tinatawag na “The Big One” na maaaring dumating kung kailan hindi natin inaasahan.

Nang dahil dito sa lindol na naganap mukhang dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno kung anong klaseng teknolohiyang pangkonstruksyon o paggawa ng bakal ang naaayon para sa ating bansa.

Ang mga pangambang ito ay marahil naging sanhi rin ng pagpapasa ng House Bill 379 ni Congressman Lemuel H. Fortun ng Agusan del Norte kung saan kanyang nais imbestigahan ang pagkalat ng mga smuggled at sub-standard na mga materyales at steel products sa ating bansa.

Dismayado naman ang ibang mga nasa construction business sa naging reaksyon ng ibang ahensya ng gobyerno sa mga pangyayaring ito.  Dapat ay patuloy at aktibo ang mga ahensyang ito sa paghahanap ng totoong solusyon para masiguro na hindi nasasakripisyo ang seguridad ng steel rebars sa bansa.  Subalit ang mga ahensyang ito ay mukhang pinili pang kumampi sa isang malaking kompanya sa gitna ng mga pangyayaring ito.

Bilang ahensya na tagapagpatupad, tagapagtanggol ng nararapat na pamantayan, at ang pangunahing consumer rights advocate, ang DTI ay dapat magkaroon ng tapat at walang kinikilingang imbestigasyon upang makapagdesisyon na kung anong klaseng teknolohiya at materyales ang nararapat gamitin para sa “Build, Build, Build” program ni Pangulong Duterte upang makakasiguro na magiging ligtas at matatag ang mga istrukturang ito kung tumama na ang tinatawag na “The Big One”.

Dito lang darating ang panahon na ating masasabi at masisiguro na magbebenepisyo mula sa patas na kompetisyon at mababang presyo ang consumers at condominium dwellers na hindi naman naisasakripisyo ang seguridad nila sa paggamit ng mga produkto at materyales na ito. (Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga)

206

Related posts

Leave a Comment