SEN. MARCOLETA ASAR-TALO KAY PING LACSON

RAPIDO ni PATIRK TULFO

SA pinakahuling committee hearing sa Senado, na may kinalaman sa isyu ng ating teritoryo sa West Philippine Sea, inimbitahan ang isa sa mga apo ng negosyanteng si Tomas Cloma na nakadiskubre nito noong 1947.

Ang inimbitahan ay si Col. Jacquelyn Cloma, asawa ng isa sa mga apo ni Tomas Cloma.

Sa naturang pagdinig, pinangaralan ni Sen. Rodante Marcoleta si Col. Cloma ukol sa kasaysayan ng mga isla na pinangalanan ng lolo ng kanyang asawa na “Kalayaan Islands”.

Ang kawawang Colonel ay hindi na nakasingit pa dahil sa unang tanong pa lang ng senador ay agad na nitong namonopolya ang usapan at hindi man lang pinagbigyan na makasagot ang kanyang kausap.

Obviously, ito ay resulta ng mga naunang binitiwang salita ni Sen. Ping Lacson, na nagpasalamat kay Cloma sa pagkakadiskubre nito ng naturang mga isla at pagbibigay nito sa gobyerno noong 1976, panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Tila iniinis ni Sen. Ping si Sen. Marcoleta sa paraan ng pagpapasalamat nito kay Col. Cloma.

Mistulang napikon naman si Marcoleta kaya siguro binalingan nito ang kanilang kawawang panauhin.

Maganda naman ang historical lecture ni Sen. Marcoleta na sa huli ay nagtanong kung ano raw ang basehan ng deklarasyon ng lolo ng asawa ni Col. Cloma upang angkinin ang mga nasabing isla?

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang gustong ipunto nitong si Sen. Marcoleta at kung bakit kinakailangan pang halungkatin ang isang usapan na matagal nang tapos.

Ginawa na pong isang munisipalidad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang isla matapos na ibigay ito ni Cloma sa gobyerno.

Dapat tumigil na sa kasasatsat sa isyung ito ang matandang senador.

86

Related posts

Leave a Comment