SENADO ‘DI DAPAT MAGPADALA SA EMOSYON SA PAGKONDENA SA CHINA

PINAALALAHANAN ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kanyang mga kapwa senador na huwag magpadala sa emosyon at magdahan-dahan sa kanilang desisyon at hakbangin sa pagkondena sa China.

Paalala ni Cayetano sa kanyang kapwa mambabatas, mayroong epekto para sa ating mga China-based overseas Filipino workers (OFWs) ang gusto nilang ipasa na resolusyon na kumokondena sa isang Chinese embassy official tungkol sa usapin ng West Philippine Sea.

Labinlimang senador na kasi ang lumagda sa Senate Resolution No. 256 na kumokondena sa maanghang na pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan laban sa ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno.

“Mr. President, napaka-importante ng resolution na ito, hindi lang dahil sa issues sa West Philippine Sea, but also because of many other issues, our economic ties, people-to-people ties, our OFWs in Hong Kong, in mainland China, in Macau,” giit ni Cayetano sa isang manifestation sa plenaryo nitong January 26, 2026.

Tinukoy din ni Cayetano na lubhang maselan ang isyu at may direktang epekto ito sa foreign policy ng bansa, kaya kailangan muna itong himayin sa isang pagdinig bago maglabas ng pormal na tindig ang Senado.

“I think napakalalim po ng issue na ito and it will be good for us and the public na malaman talaga natin kung anong sinabi ni (Philippine Coast Guard Spokesperson) Commodore Jay Tariela at ano yung palitan ng kuro-kuro… May I put that on record na baka maganda na magkaroon tayo ng hearing about this issue,” dagdag ni Cayetano.

Aniya, sa ganitong pagdinig maaaring ilahad ang kabuuang konteksto ng isyu, ang estado ng ugnayan ng Pilipinas at China, at ang posibleng maging epekto ng anumang aksyon ng Senado.

Nitong January 27, sumulat din si Cayetano kay Senate President Vicente Sotto III at tinanong kung bakit hindi sinama ang resolusyon sa lingguhang agenda at una lamang itong naipasa sa hanay ng mayorya. Dahil dito aniya, hindi napag-aralan ng minorya ang panukala.

“The minority through myself wrote a letter to the majority leader and yourself for your consideration na rather than adopting the resolution, we call a committee hearing,” sabi niya.

Bukod sa usapin ng proseso, binigyang diin ni Cayetano na mahalagang isaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon sa diplomasya, lalo na sa gitna ng umiinit na palitan ng pahayag sa publiko.

Para sa senador, mas magiging malinaw ang usapin kung maririnig muna ang paliwanag ng DFA at mga eksperto sa diplomasya sa isang pagdinig ng komite.

“It is important to recognize that matters affecting foreign relations fall within established diplomatic frameworks,” wika ni Cayetano.

17

Related posts

Leave a Comment