SENIOR BINAUNAN NG BALA SA ULO

MALAPITANG binaunan ng bala sa sentido ang isang 60-anyos na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Manuel Dolores, binata, ng #431 D. Inocencio St., Tondo.

Samantala, mabilis na nakatakas ang dalawang suspek sa isang iskinita sa Alley 2 ng Inocencio St., patungong Capulong St. sa Tondo.

Base sa ulat ni Det.  Jorlan Taluban, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:50 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa biktima.

Ayon kay Reynaldo Tan, punong barangay ng Brgy. 13, Zone 8, ang biktima ay kabilang sa drug watchlist sa kanilang lugar.

Bunsod nito, ipinalalagay na ang krimen ay may kaugnayan sa ilegal na droga. (RENE CRISOSTOMO)

133

Related posts

Leave a Comment