ISA pang miyembro ng 18th Congress ang pumanaw sa katauhan ni Senior Citizen party-list Rep. Franciso “Jun” Dator Jr., ngayong Lunes ng madaling araw.
“It is with deep sadness that we inform you that Cong. Jun Datol passed away a few hours ago,” ani House secretary general Jose Luis Montales noong Lunes ng umaga.
Hindi pa sinasabi ng liderato ng Kamara kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng 71 anyos na si Datol na nasa ikalawang termino na bilang kinatawan ng nasabing organisasyon sa Kamara.
Si Datol ang ikaapat na miyembro ng 18th Congress na pumanaw kasunod nina LPGMA party-list Rep. Rodolfo Albano Jr., Benguet Rep. Nestor Fongwan at Camarines Sur Rep. Marissa Andaya.
Si Albano, 85 anyos ay pumanaw noong Nobyembre 5, 2019, sinundan ni Fongwan, 68, noong Disyembre 18, 2019 at Andaya noong Hulyo 5, 2020.
Bilang pagluluksa, ibinaba sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Batasan Pambansa.
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga lider ng Kamara sa pamilya at mga kasamahan ni Datol sa nasabing organisasyon.
“Cong. Jun was a beloved and exemplary leader and a man of vision, action, and compassion who championed the care for elderly.
His tireless work and advocacies have assisted our aging population through community-based health, rehabilitation, educational and socio-economic programs for the senior citizens,” ayon sa statement ng mag-asawang sina House majority leader Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.
Si Datol ang nasa likod ng panukalang itaas sa P1,000 ang P500 na buwanang pensyon ng mga senior citizen sa bansa dahil malaki aniya ang pangangailangan ng matatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa COVID-19.
“Masayang katrabaho si Congressman Jun Datol sa Kongreso. Ka-phonepal ko yan. Kausap ko halos araw-araw para maitulak ang mga bill at resolution para sa seniors. (BERNARD TAGUINOD)
