SENIOR CITIZEN TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ng mga operatiba ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit, ang isang senior citizen sa isinagawang buy-bust operation noong Enero 6 sa F. Pasco Avenue, Brgy. Santolan, Pasig City.

Kinilala ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, ang suspek na si alyas “BigBoy,” 60-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Mangaldan, tinaguriang 9th high value individual (HVI) ang suspek, batay sa rekord ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi pa sa ulat, matapos ang sapat na panahon ng pagmamanman, kaagad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at matagumpay na naaresto si “BigBoy.”

May kabuuang 57 gramo ng shabu ang nakuha sa suspek, na tinatayang P387,600 ang halaga.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nagpasalamat naman si Mangaldan sa Pasig City Anti-Drug Abuse Office sa pakikipagtulungan nito para mahuli ang suspek. (NEP CASTILLO)

141

Related posts

Leave a Comment