SENIORS, BUNTIS, PWDs MAY LIBRENG SAKAY SA MNC – MAYOR HONEY

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na magkakaroon ng libreng sakay para sa senior citizens, persons with disability at buntis sa kanilang pagbisita sa city-run Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.

Inanunsyo rin ng alkalde na bawal ang kahit anong political activities sa panahon ng ‘Undas’ upang masiguro ang solemn observance ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sinabi ni Lacuna na ang mga libreng e-trikes ay ilalagay sa gates ng dalawang nasabing sementeryo para madali itong makita at masakyan ng PWDs, seniors at mga buntis sa operasyon ng sementeryo mula 5 a.m. hanggang 7 p.m.

Inatasan din ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Arnel Angeles na maglagay ng standby ambulance at mga kawani upang tumugon kapag mayroong emergency.

Nabatid na maging ang Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan ay naatasang maglagay ng mga doktor at medical personnel, ito ay kasabay sa pagsasailalim ng city government’s six district hospitals sa alert status sa panahon ng Undas.

Samantala, ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa ilalim ni Re Fugoso, ay maglalagay rin ng mga kawani upang magsagawa ng tagging ng mga bata bago sila payagang pumasok sa sementeryo upang madali silang mahanap kapag nawala.

Bawal ang mga vendor at alagang hayop sa dalawang sementeryo habang ang mga local government tents at tarps lamang ang pinapayagang ilagay sa MNC at MSC. Maglalagay rin ng portalets para sa mga bumibisita.

Mula October 30 hanggang November 3, walang sasakyan na papapasukin sa sementeryo, suspendido rin ang interment at cremation.

Ayon kay MNC director Yayay Castaneda, ang bilang ng mga bisita tuwing Undas ay umaabot ng milyun-milyon dahil ang MNC ang pinakamalaking sementeryo sa Pilipinas. (JESSE KABEL RUIZ)

146

Related posts

Leave a Comment