SENIORS NA CALOOCAN CITY HALL EMPLOYEES BINIGYAN NG ANTI-FLU VACCINE

NAGKALOOB ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng libreng flu vaccine sa mga senior citizen na empleyado nito kamakailan.

Layon ng programang ito nina Mayor Oca Malapitan at Cong. Along Malapitan na mas mabigyan ng proteksyong pangkalusugan habang naghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Caloocan, ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod na nasa edad 60-anyos pataas.

Nabatid sa City Health Department, mahigpit na ipinatutupad ang health and safety protocols at kada opisina ay isinasagawa ang pagbabakuna.

Kaugnay nito, ininspeksyon ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH) ang bagong molecular diagnostic laboratory na ipinatayo ng Pamahalaang Lungsod upang mas mapalawak at mas mapabilis pa ang isinasagawang mass testing sa lungsod.

Ayon kay Mayor Malapitan, hinihintay na lamang ng Pamahalaang Lungsod ang accreditation ng DOH nang sa gayon ay maging operational na ang laboratoryo na sinimulang itayo noong Agosto.

Magugunitang sinabi ni Malapitan, ang molecular laboratory na matatagpuan sa likod ng Caloocan City North Medical Center, ay magseserbisyo sa mga residente ng North at South Caloocan. (ALAIN AJERO)

197

Related posts

Leave a Comment