SENIORS PWEDE NA SA NCR MALLS

PINAYAGANG lumabas ng bahay ang mga lolo’t lola o senior citizens at mamasyal sa mga mall sa Kalakhang Maynila sa ilalim ng Alert Level 3.
Iyon nga lamang, kailangan na sila ay fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa patuloy na pagbabawal ng mga mall operator sa Alert Level 3 areas sa mga lolo’t lola o ang mga may edad na 60 pataas na makapasok sa nasabing establisimyento kahit pa ang mga ito ay fully vaccinated laban sa COVID-19.

“Hindi natin binabawi ang incentives na ibinigay natin sa seniors na kapag sila ay vaccinated ay puwede silang pumunta sa mga malls at puwede silang lumabas ng bahay. Ganoon pa rin iyon,” ayon kay Sec. Roque.

Ang mga pinagbabawalan lamang ani Sec. Roque na lumabas ng kanilang bahay ay ang mga menor de edad lalo na’t ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 ay nagsimula lamang nitong Oktubre 15.

Aniya, may 31 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 “as of October 18.”

Ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 na nagpaluwag sa operational capacity restrictions sa mga negosyo at pinayagan ang mga sinehan na mag-operate sa 30% venue capacity.
Kailangan lamang na ang lahat ng mga trabahador ng sinehan at cinema goers ay fully vaccinated laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

186

Related posts

Leave a Comment