SEQUESTERED ASSETS SA SURIGAO IBINEBENTA NG MGA POLITIKO

surigao

(NI TERESA TAVARES)

PINAIIMBESTIGAHAN ng Sandiganbayan ang ulat na ilang lokal na politiko sa  Surigao del Sur ang nagbebenta ng mga sequestered na lupain ng gobyerno.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division, inatasan ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na alamin ang ulat na pinaghahatian at ibinebenta ng ilang politiko ang bahagi ng lupain na binawi ng gobyerno dahil sa pagiging ill-gotten wealth ng mga Marcos.

Ang naturang property ay pag-aari ng Lianga Bay Logging Company, Incorporated (LBLCI), ang defendant sa isa sa maraming nakabinbin na kasong sibil sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa Marcos ill-gotten wealth.

Ayon sa anti-graft court,  kailangan masiguro ang  assets ng LBLCI laban sa pinsala at posibleng pagkawala, lalo pa at nakabinbin ang Petition for Reconveyance. Nakalap ng korte ang ulat mula sa Diatagon Labor Federation (DLF), na kalahok sa kaso dahil sa hinahabol nito ang shares of stocks na aabot sa P51 bilyon na danyos.

327

Related posts

Leave a Comment