SHARON NA-BASH SA MGA YAYA IN UNIFORM

sharon55

NAGMULA ang isyu nang mag-post si Sharon Cuneta ng larawan ng mga kasambahay niya na naka-uniform habang kumakain sa isang restaurant.

Binatikos ito ng ilang netizens, pati na ang pagtawag niya ng ‘yaya’ sa isang kasambahay.

Sagot ni Sharon, hindi dapat ang suot kundi ang pagtrato nila sa kanilang mga kasambahay ang dapat pansinin: “Maybe those who find it not nice that our yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me!”

Mahaba ang sagot ng Megastar, part of which reads, “I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand.”

417

Related posts

Leave a Comment