NAHULI ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP), sa tulong ng mga opisyal mula sa Enforcement and Security Services (ESS), Customs
Intelligence and Investigation Services (CIIS), Piers and Inspection Division (PID) at Formal Entry Division (FED) ang shipment na naka-consigned sa Hightower Inc. noong Disyembre 02, 2020.
Ang dalawang 40-foot laden containers ay idineklarang naglalaman ng Frozen Squid na agad naiulat matapos na alisin ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (ETRACC) GPS Seal na walang presensiya ng mga awtoridad na umanoy may paglabag sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 04-2020.
Karagdagan nito sa inisyal na pagsusuri ng BOC personnel lumalabas na ang shipment ay naglalaman ng Frozen Mackerel Scad.
Isang Mission Order ang inisyu ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales para sa pagsasagawa ng full inventory ng goods sa cold storage facility located sa Parañaque City.
Ang nasabing shipment ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ag ‘seizure and forfeiture proceedings’ dahil sa paglabag sa Sec. 1400 “Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration” na may kaugnayan sa Sec. 1113, “Property Subject to Seizure and Forfeiture” ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Bukod dito, isa pang imbestigasyon ang isinasagawa para sa paglabag sa E-TRACC System rules and procedures.
Ang pagkakasabat sa nasabing shipment ay nakalinya sa programa ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na habulin ang mapanlinlang pag-aangkat ng mga produkto.
Kaugnay nito, ang MICP ay nananatili sa kanilang pangako na pigilan ang pagpasok ng mga ilegal na kargamento na hindi nagbabayad ng duties and taxes at makaaapekto sa lokal na produkto ng bansa.
(Jo Calim)
