ANDI EIGENMANN HIRAP NGAYON SA PAGBUBUNTIS

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

IN less than four weeks, manganganak na si Andi Eigenmann sa kanyang unang baby sa kasintahang surfer na si Philmar Alipayo.

Pinoste ni Andi sa kanyang Instagram wall ang larawang labas ang kanyang tiyan. At base sa pintog nito, handa na ngang magsilang ng ikalawa niyang sanggol ang aktres. Ang una nitong anak ay si Ellie sa dating kasintahang anak ni former Manila Mayor Joseph Estrada.

Mas mabigat ang kalagayan ngayon ni Andi dahil sa nararamdamang discomfort, kirot sa likod, pelvic, pamamaga ng kanyang paa at iba pa. Madali rin siyang mapagod.

Pero ayon sa kanya, nangingibabaw ang excitement niya sa naiisip na pagbabagong magaganap sa kanyang buhay kapag naisilang na ang kanyang sanggol.

Base sa plano, palalampasin muna ni Andi ang ilang buwan matapos manganak bago siya bumalik sa Siargao kung saan sila nakatira ni Philmar. Wala pang plano sa pagbabalik acting ang aktres.

212

Related posts

Leave a Comment