SA isang Q&A sa kanyang Instagram account kamakalawa (Wednesday night), kinampante nito ang mga fans niya na okay lang siya matapos lumabas ang balitang engaged na ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce kay Angel Locsin.
May nagtanong kasi na, “How’s your heart knowing that your ex is already engaged?” Ang sagot ni Bela: “Why would you assume that I’m affected? I’m happy for them.”
Apat na taon ang naging relasyon nina Bela at Neil na nagwakas noong early 2017. Nagkasama si Bela at ang writer at producer na si Neil sa mga pelikulang Luck at First Sight at Camp Sawi.
346