(NI JJ TORRES)
TEAM STANDINGS W L
y-TNT Katropa 9 1
y-NorthPort 8 2
q-Blackwater 6 4
q-Ginebra 6 4
Rain or Shine 5 5
Magnolia . 5 5
San Miguel 4 5
Alaska 4 6
Phoenix 4 6
Meralco . 3 6
Columbian 3 7
NLEX 2 8
y- may twice-to-beat incentive
q-pasok na sa quarters
x-sibak na sa torneo
LARO NGAYON:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. Phoenix vs NLEX
7 p.m. Meralco vs NorthPort
PATITIBAYIN ng NorthPort ang tsansa nito para sa No. 1 berth, habang pipiliting palakasin ng Phoenix Pulse at Meralco Bolts ang pag-asa para makakuha ng tiket sa quarterfinal round.
Sasagupain ng Batang Pier ang Bolts sa alas-7:00 ng gabi sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Nangunguna ang TNT Katropa sa bitbit na 9-1 record, tampok dito ang seven-game winning streak, kasunod ang NorthPort (8-2) at mga quarterfinalists ding Blackwater (6-4) at defending champion Barangay
Ginebra (6-4).
Kung magkakapareho ng baraha ang Tropang Texters at Batang Pier sa 9-2, ang huli ag makakakuha ng No. 1 seat bunga ng ‘win-over-the-other’ rule.
“Tingnan natin kung ano pa ang mangyayari sa ibang teams, malaman natin kung saan kami babagsak,” pahayag ni NorthPort coach Pido Jarencio.
Sa quarterfinals, ang No. 1 at No. 2 teams ay magtataglay ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa kakaharaping No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakabanggit. Habang maglalaban sa best-of-three series ang No. 3 team laban sa No. 6 at ang No. 4 vs. No. 5.
Target din ng Meralco (3-6) na makabangon mula sa kanilang four-game losing skid para makahabol sa quarterfinals.
Sa unang laro, sisikapin naman ng Phoenix (4-6) na buhayin ang kanilang tsansa na makasama sa eight-team quarterfinals cast sa pagsagupa sa talsik nang NLEX (2-8) sa unang laro, ganap na alas-4:30 ng hapon.
Bumaba sa record na 4-6 ang Fuel Masters dahil sa mga pagkabigo nila sa Columbian Dyip (100-98) noong Sabado at San Miguel Beermen (128-108) nitong Miyerkules.
Hindi pa malaman kung makakalaro ang import ng Phoenix na si Richard Howell na nagtamo ng knee injury sa third quarter kontra sa Beermen kamakalawa.
Magiging susi para sa team ni coach Louie Alas ang kanyang top locals na sila Matthew Wright at Jason Perkins para makabalik sa winning form ang Phoenix.
149