DINGDONG DANTES, UMALMA SA ISYU NG NYC

dingdong12

WHATTA MEL(NI MELL NAVARRO)

MALACANANG orders National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema to vacate his post after he asked the Comelec to allow him to replace his wife, Ducielle Suarez, as first nominee of Duterte Youth party-list.” Ito ang balita kamakailan.

Umalma sa isyung ito si Dingdong Dantes, dati ring head ng NYC. Sa kanyang Facebook account, pakiwari ng aktor na ang ginagawa ni Cardema ay “railroading” upang makakuha ng seat sa Kongreso, kahit wala ito sa listahan ng nominees ng nabanggit na party-list. Part ng post ni Dingdong:

“If the petition will be granted, parang na-railroad ang democratic process. I think we all agree that the young people should never— ever — be disenfranchised, especially in governance. But with the country’s Youth Chief getting into this? Teka lang.

“Ipinaglaban at patuloy na itinataguyod ng mga opisyal at empleyado ng National Youth Commission (NYC) ang karapatan at kakayahan ng kabataang makibahagi sa pamamahala, regardless of regime.

“Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag-resign siya bilang NYC Chairman. Maaari kasing na­gamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya.
“Marami siyang dapat ipaliwanag kung paanong nag-withdraw lahat ng nominado ng kanilang Party List at sa biglaan niyang pagpasok bilang substitute ng kanyang asawa.

“Sa ating mga bagong mambabatas, please look into the Party-List system. Ipagtanggol at palakasin po sana n’yo ang mekanismong nagbibigay espasyo sa mga sektor na marinig ang kanilang mga boses.

“At sa’yo Mr. Cardema, if you really want to serve the young people, you are already in the best position to do so. Tanungin mo si Chairman CY Diño Seguerra, whom I respect so much.”

CONSISTENTLY nominated ang mahuhusay na PPL Entertainment artists at Kapuso stars na sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, at Max Collins sa award giving bodies ngayong 2019.

Na-nominate bilang best supporting actor si Gabby sa kanyang performance sa Citizen Jake ng batikang si Mike De Leon sa FAMAS (ginanap noong April 28), and nominated siyang muli sa parehong kategorya at pelikula sa PMPC Star Awards for Movies (gaganapin sa June 2).

Both Sunshine and Max have two nominations — as best supporting actress in both PMPC Star Awards for Movies at sa Eddy’s Awards (also to be held this June) – si Sunshine for Rainbow’s Sunset, while si Max ay for Citizen Jake din.

Aabangan together sina Gabby at Sunshine sa Versus ni Direk Ralston Jover, produced by Art Cruz (naka-based sa Australia). Isa itong pasabog na LGBT court drama film tungkol sa isang “tranny” na biological father at isang ina na kapwa ipinaglalaban ang custody ng kanilang anak.

 

157

Related posts

Leave a Comment