ELNELLA BREAKUP REVISITED: ANO ANG TOTOONG DAHILAN?

JANELLA

I SAY(NI RK VILLACORTA)

Until now ay wala pa ring linaw sa akin ang totoong dahilan sa hiwalayan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Pinapalabas kasi ng kampo ng dalaga na sinaktan diumano siya ng dating boyfriend kaya nakipaghiwalay siya. Ang kampo ng binata ay tahimik lang. Dumaan na ang mga buwan but never a single word from Elmo defending himself, kahit malaking kasiraan ito para sa kanya.

The other night, I was talking to a Kapamilya insider at ito ang topic namin.

Even Elmos’s sister, Maxine Magalona, ay todo iwas din sa isyu nang makaharap ng media during a recent press conference. Nakakaawa ang binata sa kinasangkutang isyu.

Sa katunayan, we’ve got information na it was Elmo na sinaktan ni Janella. Sinampal niya ang boyfriend in public nang ayain ito ng binata na umuwi at may tama na ng alcohol sa isang party.

To save Janella, hindi kumibo  ang binata para hindi mapahiya ang dating girlfiend.

Maging ang nag-viral na photo ng dalaga na nakadikit ang katawan nito kay Marco Gumabao, dinepensahan pa rin ni Elmo si Janella para hindi lumabas na siya ang “bad girl” sa relasyon nila.

Di nga ba’t pasaway ang dalaga sa ina niya noon na na­ging dahilan ng mother-daughter rift nila noon na ibinuyangyang nila in public?

Sa ngayon, may bagong project si Janella minus Elmo. Ayaw na ng dalaga makasama sa trabaho ang dating boyfriend. May bago na raw itong kapareha na iginu-groom ng Kapamilya Network para maka-loveteam.

Sa ganitong sitwasyon, hanga kami sa binata nina Francis ‘Kiko’ Magalona at Pia Arroyo-Magalona dahil pinalaki nila ang anak na ma­ging masunurin at magalang sa babae just like Elmo’s dad.

Sayang lang dahil ang akala namin ay forever na pagmamahalan ay magtatapos lang pala sa wala.

Yes, the public has the right to know dahil sinuportahan nila ang ElNella. Marami pa rin sa mga fans nila ang nagtatanong.

                                                                                         ***

Thankful ang bagong writer-comedian na si Alex Calleja sa ibinigay ng Regal Films na tiwala sa kanya para idirek ang pelikulang Papa Pogi na palabas na simula yesterday (March 20). Sa panahon kasi ngayon, ang mga films producers ay pihikan na magbigay ng break kung sa tingin nila ay hindi worth  bigyan ng pagkakataon.

Laugh trip kami last Monday evening sa red carpet preem ng pelikula na dinaluhan nina Vhong Navarro at Karylle at mga kasamahan ni Teddy Corpuz  sa noontime show na “It’s Showtime” na bida sa pelikula.

Si Donna Cariaga, nagpapasalamat din sa Regal, lalo na kay Direk Alex na sa simula pa lang ng kanyang career sa telebisyon ay naging supportive na rin sa kanya.

157

Related posts

Leave a Comment