WALA NANG DAPAT IKABAHALA ANG KATHNIEL FANS

katkat12

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

KABABALIK lang sa Manila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa El Nido Palawan kung saan nag-celebrate si Kath ng kanyang 23rd birthday (March 26) with a bang through back-to-back parties with boyfriend Daniel. For her birthday salubong, Kath had a small salu-salo with her family and DJ at home.

Later that day, she flew to the beach with Daniel, her close friends, and family (including her mommy Min). They stayed at the El Nido Resorts at nasilip ng mga  fans ang cute dinner party ng family niya through IG Stories ng isang friend nila.

Super abang ang Kath-Niel fans sa mga sexy photo/video na ipo-post ni Kathryn, o ng mga kasamahan nila sa Palawan, pero until now ay wala pa rin silang ipino-post.

Sa isang video na ipinost ng Teen Queen’s mom, she’s heard sharing a message to her daughter, saying it in a mix of English and Filipino, “Sixteen years ago, you were just starting out and we were lining up for auditions. Remember, my daughter? Your journey was not easy. But now, after all the tears and sacrifices, you can see. Everything was worth it.”

Pinasalamatan niya si Kathryn sa pagiging mabuting anak. “Thank you for being a good daughter to your father and me, a loving sister, and a caring aunt. You always say that you’re not perfect, but I want you to know that your imperfections are not your flaws, they are your beauty.”

Ngayon ay mapapanatag na ang KathNiel fans na hindi totoo ang kumalat na balitang kesyo may pinagdaraanan at hiwalay na sina Daniel at Kathryn. Sigurado namang isi-share din nila ang mga larawang kuha sa kanyang birthday celebration. Wait lang kayo.

 

96

Related posts

Leave a Comment