KATATAPOS lang ng participation ni Janice de Belen bilang nanay ni Jodi Sta. Maria sa “Sino Ang May Sala: Mea Culpa” kasi mas in-demand ang contravida character ng actress sa “The General’s Daughter” kaya pinatay agad siya sa serye ni Jodi.
Pero kung si Janice ay umaariba pa rin hanggang ngayon ang career, ang sister naman niyang si Gelli de Belen ay mukhang pinagtampuhan na ng langit at nilalangaw.
Before ay naging mabentang host sa GMA at TV5 si Gelli at nabigyan din ng gag show sa Singko. Tapos nagkaroon nga ng movie with Bayani Agbayani, eh, super flopsina naman.
In all fairness, isa si Gelli sa mga mahusay nating artista, na pwede sa drama at comedy. Baka makabawi pa naman so, let’s give her a chance.
###
Happy si Ms. Universe International 2018 Faye Tangonan at kahit baguhan pa lang na artista ay napansin na agad ng 1st Southeast Asian International Achievement Awards, ay ipinagkaloob sa kanya ang Best New Actress Award.
Pero masaya na sad si Faye dahil hindi niya personal na natanggap ang kanyang trophy dahil kasalukuyang nasa Honolulu, Hawaii para asikasuhin ang kanyang Kauai Realty business doon na ilang years na niyang pinatatakbo.
Pero feeling honored si Ms. Faye sa bago niyang achievement na kakaiba raw sa mga nakuha niyang titles sa mga sinalihang local and international Beauty Pageants. “Sobrang thankful ako sa founder ng Southeast Asian Int’l Achievement Awards na si Mr. Rajs Gange for the award (Best Actress) na hindi ko ma-imagine na makakamit ko in the future. Sanay akong umakyat sa stage para makoronahan ng whatever titles, pero itong Best Actress award iba siya for me, talagang feeling ko may napatunayan na pala ako kahit na baguhan pa lang ako rito sa movie industry.”
149