JANINE, MAY PAGKA-‘DRAGON’ SA TUNAY NA BUHAY

janina22

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

“EXCITED ako kasi ngayon lang ako magkakaroon ng ganito ka-strong [na character]. And additional challenge nga ‘yung bumubuga siya ng apoy.

“So iyon talaga yung kakaiba,” pahayag ni Janine Gutierrez na bida sa “Dragon Lady,” ang bagong serye ng GMA na magsisimula na sa Lunes, March 4, sa GMA Afternoon Prime

Sa huli kasi niyang serye, ang “Victor Magtanggol,” ay siya ang damsel in distress, ngayon ay siya na ang may kapangyarihan.

Dahil sa sumpa at suwerte, babaeng itsurang dragon ang papel ni Janine sa naturang fantasy series. May eksena ba na gaganda siya?

“So far, wala, eh. Wala, as in ganyan talaga ang itsura niya.

“Pero later on, merong mang­yayari… merong mangyayari na talagang malaking moment.

“Kapag napupuno siya ng galit, talaga. Hindi niya mapigilan.”

Si Janine dito si Celestina Sanchez at si Tom Rodriguez ay si Michael Chan. Nasa cast rin sina Joyce Ching, Bea Binene, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin. Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, nasa cast din sina Maricar de Mesa, Edgar Allan Guzman, Odette Khan, Dexter Doria, Lovely Abella, at Julie Lee.

Fantasy/drama ang “Dragon Lady,” na una ay inakala ng iba na isang matinding action/drama series na may Kung Fu scenes.

“So far, mas fantasy at mas drama talaga. Pero tingnan natin, hindi natin alam kung baka puwedeng may matutunan din siyang Kung Fu or karate or kung anuman.”

Sa tunay na buhay ba ay may pagka-“dragon” ba si Janine?

“Siguro ‘pag tinanong nyo po yung mga kapatid ko sasabihin nila dragon nga ako,”  at tumawa si Janine. “Sa… una, siguro nanggagaling na rin siya  from a place of love na parang  minsan hindi  mo maiwasan na nagiging strict ka, or parang pinapangralan mo. Ako medyo ganun ako bilang ate, hindi ko mapigilan.”

Protective at loving ate si Janine sa mga kapatid niyang sina Jessica, Diego at Maxine Gutierrez. Nagiging dragon rin daw si Janine kapag inaabot ng gutom sa gitna ng matinding traffic sa kalye.

In an interview sa taping ng “Asawa Ko, Karibal Ko,” sinabi ni Rayver Cruz na may “utang” ito kay Janine dahil hindi sila nakapag-Valentine date.

Sa halip na mag-date ay isinama ni Rayver si Janine nitong Valentine’s Day sa puntod ng ina ni Rayver, si Beth Cruz, na namatay a month ago, February 2, sa sakit na pancreatic cancer.

Kapag nagkaroon na sila oras para sa isang belated Valentine date, saan niya gusto siyang dalhin ni Rayver?

“Amanpulo… char! Hindi, dinner lang, dinner-dinner lang.”

Ang Amanpulo ay isang pribadong island resort sa Palawan na dinadayo kahit ng mga Hollywood celebrities dahil sa kagandahan nito.

 

 

 

314

Related posts

Leave a Comment