KYLYNE ALCANTARA: WALANG KARAPATANG MAGREKLAMO

kyline

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

MAG-UUMPISA na ang “Sahaya” ngayong gabi pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA 7. Promising ang teleserye kung saan ang mga Badjao at ang kultura nila ang sentro. Nagbabalik ang tambalang Miguel Tanfelix bilang si Ahmad at Bianca Umali bilang si Sahaya.

Isinantabi muna ng dalawa ang kanilang differences at nagpaka-professional sa kanilang trabaho. Ginastusan ng GMA network ang show kasama na ang pag-aaral nila ng  Badjao dialect, dance at ang matagal na pagsisid sa dagat. Tinambakan pa sila ng mga mahuhusay na supporting actors. Ito rin ang hudyat ng pagbabalik ni Mylene Dizon sa Kapuso network. Gaganap syang nanay ni Sahaya sa present time, si Jasmin Curtis -Smith naman sa past.

Kasama rin sa serye sina Snooky Serna, Ana Roces, Pen Medina, Migo Adecer, Zoren Legaspi, Eric Quizon and Ashley Ortega, sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay.

Si Ruru Madrid ang real life boyfriend ni Bianca. Sana ay suportahan pa rin ng BiGuel fans ang show. After all, sa kanila nakasalalay ang tagumpay nito.

***

Halos buong linggo ay napapanood si Kylyne Alcantara sa telebisyon. Monday to Friday ay nasa “Inagaw Na Bituin” siya, at sa “Sunday PinaSaya” naman every Sunday. May mga TV guestings din siya tuwing Sabado. Walang pahinga ang young actress, huh!

“Naku, wala po akong karapatang magreklamo dahil blessings po lahat iyan. Kahit po wala pa halos akong tulog, I make it a point na magawa ko po lahat ng trabaho ko. Gusto ko po lahat ng ginagawa ko at masaya po ako. Ito po talaga ang pangarap ko,” tsika sa amin ni Kylyne nang minsang dalawin namin siya sa rehearsal ng kanyang music video.

Nagpang-abot na sila ni Therese Malvar na kontrabida niya sa “Inagaw…” ; nagsabunutan na sila at nagsampalan. Kumusta ang mga eksenang ‘yun?

“Nag-uusap po kami bago namin gawin ‘yung scenes. Gusto po kasi ng direktor namin na makatotohanan ‘yung away namin. So kami ni Therese, talaga pong nagkakasakitan kami kasi ibinibigay na po namin ng bonggang-bongga ang eksena para one take lang. Masakit po kasi sa ulo at katawan ‘yung mga away namin. Pero okey lang po, hindi po kami nagri-reklamo,” sabi ni Kyline na natatawa.

Close na ba sila ni Manolo Pedrosa na kapartner niya sa serye?

“Ngayon po, medyo nag-uusap na kami. Nagkukulitan na. Kami po nina Therese sa set. Mabait naman po siya saka makulit din at gentleman,” sey pa ng young actress.

Posible bang maging boyfriend niya si Manolo?

“Hindi ko pa po masasagot iyan, eh. As of now, okey na po na magkaibigan na kami. Okey na po ‘yun. “ namumulang sabi pa ni Kylyne.

 

 

166

Related posts

Leave a Comment