MARIAN WALA NANG DAPAT ITAGO

marian

SCENESSA tanong kay Marian Rivera kung ano ang sekreto o rule niya sa buhay kaya maganda ang takbo ng kanyang personal and professional life, ang isinagot niya ay ang pagpapakatotooo sa sarili.

“Yun ang number one rule talaga sa buhay ko.

“Hindi ko nilalahat, pero sa showbiz kasi minsan takot talaga ang iba na ipakita ang totoong sila, pero ako hindi, e. My number one rule is ipapakita ko kung sino ako at wala akong itatago.”

Ito nga ang “formula” kaya happy si Marian.

“Well siguro kanya-kanyang formula yan, depende talaga sa personalidad.

Sa dami na ng narating ni Marian, may gusto pa ba siyang makamit?

“Alam mo ‘yung mga… ang tao, naniniwala akong hindi nauubusan ng pangarap ‘yan, kahit simpleng bagay papangarapin niyan.

“Kahit simpleng pagkakataon gugustuhin nila. Pero sabi ko nga, minsan sa punto ng buhay ng tao hindi naman kailangan palagi kang mangarap, eh.

“Minsan kapag binibigay na sa iyo lahat, or feeling mo na-experience mo na, minsan matuto tayong maging steady lang, magpasalamat kung anong meron ka. “Minsan nga kung ano pa ‘yung mga bagay na hindi mo ine-expect, mas dadating pa sa buhay mo, e.

“Siguro ano lang, para sa akin na ina-apply ko, kung  anong meron ako tsine-cherish ko ‘yun e, mina-maximize ko, e.

“Kasi sobrang blessed ako with my family, at dun pa lang sa pamilyang meron ako masaya na ako dun, at kuntento na ako. Kung ano ‘yung extended na nae-experience ko, at nabibigay sa akin, mga endorso na nagtitiwala sa akin, mga kaibigan na nandiyan para sa akin, ‘yun talaga sobrang bonus ‘yun para sa akin. “Pero kung meron mang mas mahalaga sa buhay ko ngayon, e ‘yung pamilyang meron ako.”

Bukod sa paghahanda para sa pagdating ng araw ng kanyang panganganak this year ay abala rin si Marian sa kanyang showbiz career; regular host siya ng Sunday PinaSaya at Tadhana sa GMA at celebrity endorser ng, among others, Kultura Pearls, Canesten, Reverie ng Beautéderm Home. at Mega Prime food products.

Handang-handa na raw si Zia na maging ate.

“Super-ready na siya,” ayon kay Marian.

“Actually nung nalaman ko pa lang na buntis ako sinabi na namin sa kanya. “Everytime na magbi-visit kami sa OB [Gyn] kasama namin siya para nakikita niya sa monitor talaga at gusto namin na involved siya sa lahat ng nangyayari sa bawat pagpunta namin sa OB.

“Para at least hindi siya makaramdam ng alam mo yun, ‘Ah magkakaroon na ako ng kapatid , bakit ganito?’

“So gusto naming i-involve siya na walang  dahilan para magselos siya, na pantay-pantay sila.”

Consistent si Marian sa sagot niya kapag tinatanong kung handa ba siya kung sakaling gugustuhin ni Zia na mag-artista rin tulad ng kanyang mga magulang.

“Mag-aral muna siya. Mag-aral muna siya.”

Kailangang tapos muna ng kolehiyo si Zia bago pasukin ang showbiz.

“Sana, oo naman. Iba pa rin ang may pinag-aralan.”

Commercials ay puwede naman raw for Zia.

“Pero may certain age kami na up to ganun lang.”

Sa interview sa Asawa Ko, Karibal Ko male lead star na si Rayver Cruz ay sinabi ng bagong Kapuso star na isa si Marian sa mga gusto niyang makatrabaho sa GMA.

“Why not, ‘di ba? Lahat ng gusto akong makatrabaho, why not? Sana makatrabaho ko sila. And welcome back to GMA! Mas masaya, mas madami, mas masaya ‘yun, ‘di ba?”

“Ano kami…showdown kami sa Sunday Pinasaya.”

Parehong mahusay na dancer sina Marian at Rayver.

 

7

Related posts

Leave a Comment