Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network
Pinagkagastusan ng GMA 7 ang Philippine adaptation ng 2016 South Korean drama series na Descendants of the Sun. First episode pa lang na napanood sa mediacon, chopper kung chopper na!
Bonggacious ang foods sa mediacon. Fabulous ang set-up sa studio ng GMA Annex. At andiyan pa ang mga panauhin mula sa AFP (Armed Forces of the Philippines).
Andaming cast members, pero syempre, ang pinagkaguluhan lang ng media people ay ang apat na bida ng palabas — sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo aka Big Boss), Jennylyn Mercado (bilang Dr. Maxine de la Cruz aka Doc Beauty), Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos aka Wolf), at Jasmine Curtis-Smith (bilang Capt. Moira Defensor).
Oh, yes! May chemistry ang DongJen! Kilig-kiligan agad ang kanilang mga eksena sa first episode, kahit alam nating malabo silang matulad sa mga orig na bida na Song-Song (Song Joong-ki at Song Hye-kyo) na nagkagustuhan, nagpakasal, and eventually nagdiborsyo.
Pamilyado na si Dingdong, at si Jennylyn ay may ka-CoLove na. May Valentine concert sina Jennylyn at Dennis Trillo, at abang-abang tayo kung magpo-propose doon si Dennis kay Jennylyn.
Bago pa nag-taping sina Dingdong at Rocco ay nag-bonding na sila. Inimbitahan ni Dingdong si Rocco sa bahay niya, at nagkakuwentuhan sila ng mga bagay-bagay sa buhay.
Kahawig ni Rocco si Jin Goo, na gumanap bilang Sergeant Major Seo Dae-young aka Wolf sa Korean drama. Kaya pasok na agad siya sa casting ng Pinoy version ng DOTS.
Apat o limang Kapuso actress ang nag-audition para maka-love interest ni Wolf.
Kuwento ni Rocco, “The whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko. Noong nakita namin si Jasmine at may mga ginawa kami…. lahat kami…. hmmmnnn… hmmn… she deserves it.”
Kasali rin sa DOTS sina Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Roi Vinzon, Hailey Mendes, Marina Benipayo, Pancho Magno, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles at Bobby Andrews.
May cameo role dito sina Tonton Gutierrez, Sophie Albert Kim Rodriguez, Addy Raj, Ronnie Henares, Mark Herras at Gabby Eigenmann. Ang direktor ay si Dominic Zapata.
Syanga pala, ang bagong Music Ambassador ng NCCA na si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng serye na You Are My Song.
Magsisimulang umere ang Descendants of the Sun sa Pebrero 10, after Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
NCR OPENING NG NATIONAL ARTS MONTH
NCR Opening ng National Arts Month 2020 ngayong Pebrero 1, Sabado sa Luneta Grounds and Rizal Park Open Air Auditorium.
3:00 PM ang workshops on the seven Arts — Architecture, Cinema, Dance, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Visual Arts.
6:00 PM ang Opening Program.
Punong-abala sa National Arts Month ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts), na pinangungunahan ni Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.
TULONG TAAL NGAYON SA ASTRODOME
Ngayong Sabado, 6:00 PM na po ang concert na Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Kabilang sa magtatanghal dito sina Alakim, Angeline Quinto, Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carla Guevarra-Laforteza, El Gamma Penumbra, Frenchie Dy, Gerphil Flores, Isay Alvarez-Seña, Janice Javier, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Jose Rizal Institute Singers, Kiel Alo, Lawrence Mossman, Mandaluyong Children’s Choir, Poppert Bernadas, Richard Reynoso, Robert Seña, The Company, The Fortenors, Tricia Canilao, Vehnee Saturno at Zephanie.
Ang prime movers sa fund-raising show na ito ay sina Vehnee Saturno, Dr. Carl Balita at Isay Alvarez.
Ang halaga ng tiket sa Tulong Taal concert ay P1000, P500 at P300.
Para sa tiket, makipag-alam sa mobile number 0938-830-0350.
496