“SEE YOU IN COURT!”

liz211

(NI LOURDES C. FABIAN)

MULING inoperahan si Liza Soberano sa daliri niyang nagkaroon ng bali habang nagte-taping sa dati niyang serye na “Bagani.”

Umaasa ang Kapa­milya star na sana ay huling operasyon na ang kanyang pagdaraanan. Although posib­leng hindi na ito mag-function pa katulad ng dati, ayon mismo kay Liza. Kumuha ang mga doktor sa Cedar Sinai Medical Center ng buto sa hip ni Liza, kapalit ng nabaling buto sa kanyang daliri.

Sa kanyang Instagram noong umaga ng July 6, ibinahagi ni Liza ang ilang larawang nagpapakitang nilagyan ng bakal ang daliri niya.

Sabi niya sa caption, “Caution graphic content. Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger.

“Unfortunately it will never function the same way again but at least its there!

“Sorry for sharing such gruesome photos.”

Nasa tabi niya kaagad si Enrique Gil pagkatapos ng kanyang surgery. Pero dahil high pa sa gamot si Liza, hindi niya agad nakilala ang aktor, na natawa na lang. Maraming fans niya ang nagdarasal para sa mabilis niyang paggaling para makabalik na ng Pilipinas ang aktres. Nami-miss na kasi nilang mapanood sina LizQuen. Ayon sa Kapamilya star ay two weeks pa siyang magpapahinga sa US pagkatapos ay babalik na sila ni Enrique sa bansa.

###

Habang nakatutok ang lahat sa pagpapagaling ni Liza ay umeksena ang radio personality na si Glenn Dy a.k.a. Kapitana Sisa ng Energy FM 106.7 dahil sa kanyang malicious blind item vlog na pinagdududahan na si Liza ang tinutukoy.

Siyempre pa ay pinalagan ito nang husto ng fans ni Liza at ni Ogie Diaz.

Deleted na ang YouTube video ni Kapitana Sisa tungkol sa diumano’y aktres na nawawala dahil buntis. Nakaramdam ng takot ang nasabing radio personality kaya biglang nag-sorry at nag-public apology para sa mga taong nasaktan at nadamay daw sa kanyang blind item.

Pero wala na ring magagawa ang pagsu-sorry niya dahil desidido na ang naturang talent manager sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya. At bilang tugon sa public apology ni Kapitana Sisa, ayon kay Ogie…. “We cannot accept your generic public apology, Kapitana SISA. We’ll just see you in court.” Na sinegundahan ng ama ni Liza, si John Castillo Soberano, na halatang galit sa fake news na ikinakalat nito, “I personally do not accept his apology.. The hell with him.. F****£ with the wrong people…”

Hindi akalain ng radio DJ na ang live video na matapang niyang in-upload sa YouTube noong July 3, Wednesday, kung saan ang blind item niya about an actress from ABS-CBN who allegedly went to U.S. to undergo an abortion ang maglalagay sa kanya ngayon sa malaking kapahamakan.

Nawa’y maging lesson ito sa kanya na huwag magpapakalat ng maling balita, nang walang ebidensya. Kadalasan talaga ay naabuso na natin ang paggamit ng social media. Isip-isip din bago magtipa. Sabi nga, think first before you click. And think twice before you speak.

 

119

Related posts

Leave a Comment