Para sa mga malalapit sa Megastar Sharon Cuneta, mabigat sa puso ang pinagdadaanan nila ng kanyang anak na si KC Concepcion.
Idinaan ni KC ang pagbati sa birthday ng ina sa social media post nito – kaya habang nagpasalamat si Sharon sa gesture na ito ng panganay niyang anak, nasabi niyang “I would have loved it most if I could have had a tight huh and heard a “Happy Birthday, my Mama, I love you.” Or a beautiful heartfelt card like those you used to write me. Or a phone call, I even would’ve settled for a private text message.”
Marahil, tugon ito ni KC pagkatapos siyang hanapin ng mga tao sa birthday surprise ng pamilya ni Sharon sa ASAP.
Damang dama ko ang sakit sa loob ni Sharon nang sabihin niyang naging emosyonal siya dahil wala ang panganay niya noong celebration niya.
“I feel that you have distanced yourself from us who truly love you, when we all hunger for our family to be complete,” lahad ni Sharon habang binabalik-tanawan ang tradisyon sa pamilya na sinasalubong ang Pasko, Bagong Taon, birthdays o kahit na anong mahahalagang okasyon na buo at magkakasama.
Umiiyak na ang puso natin nang mabasa ito from Sharon,
“I miss your presence in my life. We are your family. That will never change. I will be here, like I told you, loving you unconditionally no matter what. But allow your Mama some tears when my heart cannot hold them in any longer. Come back to me. To us.”
Kung na kina Tita Helen Gamboa-Sotto si KC ay may pagpapanatag na ang magulang niya, pero ang dasal nati’y magkaayos na ang pamilyang mahal natin, at tayong nakakaalam ng pinagdaraanan nila ay maging tulay sa pagkakaintindihan nila sa lalong madaling pagkakataon.
Hindi na dapat gatungan pa ng napababalitang pagkakaugnay ni KC kay Apl de Ap itong usaping pamilya.
Sa huli, tulad ng nasa Bibliya, kasama tayo sa taos-pusong naghahangad ng pagbabalik ng prodigal daughter sa kanyang pamilya.
Ipinagdarasal natin yan!
oOo
RYAN, NAGBUKAS NG PIZZA DELIVERY BUSINESS
Pagkatapos ng successful launch at branching out ng “AngryDobo” nila ni Juday, pinasinayaan niya ang pagbubukas ng PizzaTelefono na isang pizza delivery service na ang unang base ay nasa lugar nila sa Alabang.
Nagkaroon ng misa at blessing na pinamunuan ni Fr. Tito Caluag – at isang simple at masayang salu-salo.
Natatawa lang kami ni Ryan kapag nagkakabiruan na ang career path niya ay ang pagiging business mogul.
At least, mayroon na silang matibay na alternative ni Juday labas sa showbusiness.
All the best Ryan!
oOo
For reactions, recommendations and opinions, send a PM to my IG account – @iamnoelferrer . (LEVEL UP / by The First NOEL (Ferrer)
241