SINO ANG BEAUTY QUEEN NA DINI-DATE NI DERRICK?

derkath200

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

MUKHANG  jackpot si Derrick Monasterio sa ‘bagong babae’ (or vice versa?) sa kanyang buhay. Kasi naman, bagets at beauty and brains ang… oo, isa siyang beauty queen!

Sa pocket presscon ng upcoming Kapuso afternoon teleserye na “Dragon Lady” nitong Martes, inamin ni Derrick na isang beauty pageant titlist ang idini-date niya ngayon.

Nagngangalan itong Kathleen Joy Paton, isang Filipino-Australian. (The next Catriona Gray?)

Kinoronahang Miss Teen International 2017 at Miss Manila 2018 ang 20-year-old na si Kathleen. Ipinanganak siya sa Aklan pero nanirahan sa Australia mula 9 years old siya.

Bakit parang di naibabalita ito?

“Ayoko lang siyang agawin ng iba. Possessive ako!” natatawang sagot ng 23-year-old actor.

Nagde-demand ba ang dalaga na ipakilala siya sa publiko?

“Di pa naman kasi kami. Dating-dating lang,” paglilinaw ng Kapuso hunk. “Siyempre, normal lang naman ‘yun para sa single guy na makipag-date, di ba?”

Pag-amin pa ni Monasterio: “Sa totoo lang, out of ten, anim ang basted. Mga apat lang ‘yung sumagot sa akin. So, hindi rin madali.”

Mas ok ba ang girlfriend na showbiz or non-showbiz?

“Wala pa akong naging girlfriend na showbiz. Non-showbiz, kasi hindi magulo; hindi lalabas sa balita pag may nangyari,” dagdag pa niya.

###

Magpi-premiere sa HBO ngayong Marso 3 ang Leaving Neverland, the controversial documentary about Michael Jackson.

Ang 4-hour docu na ito ay sumesentro kina Wade Robson at James Safechuck na nagsabing inabuso sila bilang mga batang paslit ng yumaong singer.

Ilang araw bago ang HBO release, nag-open up sa TV program na CBS This Morning ang dalawang nag-aakusa sa King of Pop ng sexual abuse.

“One of the ways I remember it starting is Michael just sort of starting to touch my legs… my crotch over my pants… performing oral sex on me, him showing me how to perform oral sex on him… touching me just in the sense of, like, hand on my leg, lots of hugs, kissing my forehead, rubbing my hand. So it’d been this kind of development of physical closeness that was happening already that felt like a father,” pagsisiwalat ni Robson.

Dinetalye naman ni Safechuck ang kahalintulad na kuwento at nagsabing “Jackson introduced me to masturbation… He said I taught him how to French kiss. And then it moves onto oral sex…”

Kinondena ng pamilya Jackson ang naturang documentary bago pa man ito nag-debut sa Sundance Film Festival noong Enero.

“This is yet another lurid production in an outrageous and pathetic attempt to exploit and cash in on Michael Jackson,” pahayag ng kinatawan ng Jackson family.

“Robson and Safechuck have both testified under oath that Michael never did anything inappropriate toward them.”

Kalurkey na mga pasabog! Which side kaya is the truth on?

 

163

Related posts

Leave a Comment