VIVIAN VELEZ UUNAHIN ANG PAGKAKASUNDO?

Lumalapot ang balangkas sa teritoryo ng Film Academy of the Philippines na nilisan ng dati nitong Director General na si Leo Martinez at inupuan nga ni Vivian Velez.

Sa palagay namin, ang pagpasok sa eksena ni Ms. Vivian Velez  ay hindi welcome sa karamihang  mga namumuno sa labindalawang  Guilds sa ilalim ng FAP.

Ang Guild ay kumakatawan  ng film directors, actors, screenwriters, cinematographers, musicians, designers at iba pang workers like production managers, assistant directors at kahit  producers.

Ang pinakamaingay ay si Director William Mayo, ang President sa kasalukuyan ng  Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP). Naging chairman din siya ng Cinema Committee of the National Commission for Culture and the Arts.

Nirerespeto ng mga colleagues niya at mga  taga-industriya si  Direk Mayo. Ang pelikula niyang “Lapu-Lapu” ay naghakot ng halos lahat ng major awards sa nakaraang Luna Awards,  ang award-giving body ng akademiya katulad ng Oscars.

Maingay si Director Mayo sa kanyang pagtutol na lahat FAP Guild member na magre-accredit.

Nasa Facebook post ni Mayo ang kanyang  pagtutol.

Sinabi niya na sa ilalaim ng nakaraang Executive Order ni former President Ferdinand Marcos, lahat ng Guilds sa ilalaim ng FAP ay independent sa bawat isa at puwedeng mag- exist kahit walang  FAP, pero ang FAP hindi puwedeng umiral kapag wala ang Guilds.

Mukhang inatake ni Velez ang mga Guild head nang kinuha niyang liaison officer (ng FAP) ang dating head ng Cinematographers Guild na si Isagani Sioson.

Film Academy of the Philippines Director Vivian Velez

Si Sioson sa totoo lang ay na-expel unanimously sa kanyang  position noong  termino ni Director General Martinez dahil sa pagtanggi niya na magpasagawa ng election sa kanilang guild. Na-replace siya ni George Torralba. Si Sioson ay close kay VV dahil naging cinematographer siya ng mga ilang mga prinoduce at mga pinagbidahan ng huli.

Naturalmente, hindi gusto ng mga head na Makita ang pagmumukha ni Sioson sa kanilang meeting.

Magiging malaking problema ito sa pagtawag ng meeting at sa pagkuha ng quorum.

Malamang may pagngingitngit din ang mga Guild dahil sa inanunsiyong pagtanggal ni Velez ng minimal subsidy na nakasanayan at regular na natatanggap ng mga guild taon-taon.

Dahil rito natuto na ang mga Guild na mapanatili ang kani-kanilang mga asosasyon. Hindi natinag at nagulamihan  sa mga reforma ni Velez. Si Director Mayo ay ginagawa ang lahat ng klase ng fundraiser para mapanatili ang KDPP.

Para may kabuluhan, ang kanilang KDPP ay pasimunong presentor ng grand Philippine premiere sa multi-award winning film mula Hollywood na may titulong  “Ascension,” isang sci-fi-horror-suspense thriller na produced ng self-made Pinoy Arsy Grindulo Jr. na naka- base sa Los Angeles. Itong gutsy guy ay nabigyan ng Gawad Amerika award kasama si King of Talk Boy Abunda.

Ang red-carpet premiere ng ‘Ascencion’ ay magaganap sa Cine Adarna, University of the Philippines Film Center, Quezon City sa February 15, 2020 alas kuwatro ng hapon. Isang open forum ang magaganap kasama ang nabanggit na producer na ibabahagi ang mga naging karanasan niya bilang producer ng Hollywood film na nagawaran na ng 15 awards mula sa international filmfests kasama ang Best Independent Film from the National Film & TV Awards sa L.A., U.S.A.

Explanation naman ng isang director ng F.A.P tungkol kay Sioson:

“Liaison namin siya for the accredited guilds.”

Ang malaking tanong, mapulitikang tao si Sioson kaya kaya niyang mag-co-exist sa mga nagpatalsik sa kanya?

Puwede siyang gumalaw na walang axe to grind?

Si Maam Vivian Velez, maging bukas kaya ang isip o kakampihan niya ang kanyang napiling liaison officer.

Mas titimbang ba ang karapatan ng mga guild o mangingibabaw ang pride?

Kung nakapag-aral ng  kahit na three units lang ng political science ang mga nasa board ng FAP, alam nila ang smallest political unit ay ang pamilya. Sa loob ng pamilya, may ‘di pagkakaunawaan. Sa huli ay may miyembro na nagpaparaya, mas nilalawakan ang pag-uunawa. (SAKSI AKO NI KC GUERRERO)

282

Related posts

Leave a Comment