Sinaksak sa Malabon, lumangoy pa-Valenzuela ‘DI UMABOT NANG BUHAY SA OSPITAL

LUMANGOY pauwi sa Valenzuela City ang isang 24-anyos na lalaking biktima ng saksak sa Malabon City ngunit nalagutan ng hininga habang isinusugod sa ospital

Kinilala ang biktimang hindi umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center bunsod ng saksak sa baywang, na si Joshua Tavera, ng Area 5 Dumpsite, Pinalagad, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Tinutugis naman ng mga pulis ang suspek na si Ryan Morados, 44, ng Saint James, Dulong Sisa Ext., Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Ayon sa pulisya, alas-6:00 ng gabi noong Lunes, naglalakad ang biktima sa Sisa Ext., Brgy. Tinajeros nang saksakin ng suspek na pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Duguang tumalon ang biktima sa ilog at lumangoy patungong Valenzuela City saka humingi ng tulong sa mga tambay na nagsugod sa kanya sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Lumantad naman sa himpilan ng pulisya ang isang 21-anyos na lalaking hindi nagpabanggit ng pangalan, at ibinunyag ang pagkakakilanlan ng suspek.

Blangko pa ang pulisya hinggil sa posibleng motibo sa pagpatay sa biktima. (ALAIN AJERO)

247

Related posts

Leave a Comment